Tuesday, May 14, 2013


WOMAN
by Zaldy Gutierrez

As a child, the girl is usually our mothers’ helper. While we, boys, play outside, our sister helps with the household chores like cooking, washing the dishes, doing the laundry, ironing, and other domestic tasks commanding skills that may come in handy someday when she starts her own families. Our poor sister usually gives way, whether by will or force, to us during disagreements, especially when our parents are not around.

As a teen, she begins to outwit us because of her natural analytical skills. Suddenly, she turns into the person who can understand our sensitive side. She is the one who patiently listens to us when we can’t tell the world how we feel, when our machismo prevents us from opening up to our kakosa, when we try to hide our telenovela moments by drinking, throwing jokes around and singing rock ‘n’ roll.

As a partner, a steady or a wife, she is the source of our energy and glory, the one who satisfies us even if we often forget to ask if she feels the same way. Staying quietly in the background, she manages to keep our lives in order. Indeed, behind every successful man is a supportive woman.

Despite her impact, society still views the woman as fragile, always the damsel in distress needing rescue from the man of steel. Yet, no man can ever match the bravery of the woman that she can readily give up her life for her child. For nine months, sometimes less, she carries the fruit of a man’s nine-second pleasure, sacrificing her beautiful body and pretty face, exposing her bare breast to the public if only to console her weeping child.

For all of these and more, I admit, I am grateful for the women in my life.

Tuesday, July 10, 2012

PAALAM DOLPHY.

Isang nakakalungkot na balita ang pagpanaw kanina ng hari ng komedya na si Rodolfo Quizon kilala sa tawag na Dolphy. Di ko man sya personal na kakilala pero malaki ang ginagampanan nya sa buhay ko. Siguro hindi ako nag iisa dun... Marami akong natutunan sa mga aral na makukuha mula sa kanyang mga pelikula at sa buhay nya.

Isa sa pelikulang gusto ko ay ang "Tatay kong Nanay"

"TULOG NA AKING BUNSO"

Tulog na aking bunso
Tahimik na ating mundo
Akoy laging naririto
Di aalis sa piling mo

Humimlay ka sa bisig ko
ipikit na ang mata mo
Mangarap ka sa dibdib ko
matulog na aking bunso

Chorus
Tayo na giliw sa bagwis ng pangarap
Doon ay humimlay ng mundo ay maparam
Tayo na giliw sa pugad ng pag ibig
Doon ay tuparin ang pagmamahalan

Sa umaga paggising mo
Hindi pa rin magbabago
Pagmamahal ko sa iyo
Matulog na aking bunso

Tulog na...(Until Fade)





Paalam Dolphy.

Thursday, December 22, 2005

Paglalakbay

Hindi ko alam kung nasaan na ko at hindi ko rin alam kung saan ako patutungo. Marami na ang nagsulat tungkol sa kanya-kanyang paglalakbay. Sa edad na mag bebente syete sa enero, hindi ko alam kung malapit nang matapos o malayo layo pa ang lalakbayin ko. Ang tangi ko lang nakikita sa ngayon ay yung mga pinagdaan ko. Mga luha na pumatak na naghuhugas sa mga malulungkot na karanasan, pagkawala at pagkabigo. Mga maaapoy na pangyayari na bunga ng galit. Mga pag ibig na sa nagpapainog ng mundo. Mga pagkakamali na nagbubunga ng kalituhan. At mga ngiti at tawanan na nagdadala sa mga ulap at kalawakan. Ngunit ngayon saan na ba ko pupunta? Ano ba ang naghihintay?

Naaalala ko yung isa mahalagang tagpo sa buhay ko. Noong huling araw ng Hulyo ng taong ito. Huling pagkikita namin ng aking ama... nakikita ko sa kanya ang pag-aalala habang sya ay nakaratay sa ospital dahil sa nalaman nya na hindi pwedeng gamitin ang Philhealth ko sa kanya, hindi raw qualified dahil wala pa daw sisente ang edad nya kahit na wala akong asawa at walang parehong pagkukunan ang pareho kong magulang. Sa isip ko nagmumura na ko. Kinakaltas sa sahod ko ngunit wala pala akong mapapala na sa oras ng pangangailangan ko, sa oras na wala kaming pera saan ako kukuha ng pambabayad at pampapagamot. Nakita nya siguro ko ang pagkabalisa ko kaya nasabi nya,"kay Tita Beng mo may makukuha ako." Ayoko syang mag alala kaya nagkaila na lang ako, "Huwag po kayong mag-alala pwede po ako mag-loan sa pinapasukan kong kumpanya."… Yun na yung huli tagpo sa min ng aking ama dahil kinabukasan, namatay na ang tatay ko.... Tuwing naaalala ko naiiyak ako. Sinisisi ko lahat. Ang ospital na walang ginawa kundi humingi ng panggastos sa lahat ng gagamitin kahit nasa free ward pa kami. Ang gobyerno na kumakaltas ng buwis ngunit hindi naman napupunta sa dapat puntahan. Ang lahat sinisisi ko pati na ang sarili ko dahil kahit na tapos na ako, hindi ko pa rin naiaangat ang kalagayan namin. Hindi pa rin kayang tugunan ng sweldo ko ang aming pangangailangan.

Mahigit dalawang taon na kami ng aking kasintahan. Marami na kaming pinagdaan sa ganoong kaikling panahon. Pero hanggang ngayon may kaba pa rin ako. Natatakot pa rin ako na baka magkahiwalay pa kami. Magkaiba kasi ang mundong aming ginagalawan. Hindi sila salat na katulad namin. Nasasabi ko nga ang ganon sa kanya na natatakot ako. Ngunit wala kasing unawa ang kanyang kalooban. ”I won’t leave you no matter what. I will always support you and be by your side.”, iyan ang lagi nyang sinasambit at ginagawa.

Iniisip ko ang aking ina. Ayoko ng maulit ang nangyari sa aking ama na namatay siya na hindi ko man lamang naparamdam sa kanya ang ginhawa. Naiisip ko rin ang naiwang anak ng aking ama. Kung kami lang na magkakapatid ay ayos lang kasi pare-pareho kaming nakatapos na, na kahit ang hirap ng buhay at napakababa ng sweldo sa kabila ng taas ng pamasahe at bilihin alam ko na makakaraos kami. Pero ang mga batang yun, kaawa-awa naman. Siyam na taon yata ang pinakamatanda. Gusto ko rin silang matulungan. Ngunit ano ang aking magagawa sa ngayon. Nag uumpisa pa rin ako. Hindi pa rin ako nakakakuha ng trabaho na talagang pwede kang makapag ipon o umasenso pa lang. Wala din akong kapital para inegosyo.

Sa ngayon kahit anong isip ko hindi ko alam ang solusyon. Lalaban ako, ito ang lagi kong ginagawa kaya ako nakakaraos. At pananalig sa Diyos, yun lang ang tali na nagdadala sa kin sa kagandahan ng buhay. Siguro kahit saan ako dalhin ng aking desisyon at tadhana, matapos ko man ang paglalakbay ko ng may tagumpay o pagkasawi, masaya na rin ako.